Ano ba dapat ang ginagawa ng mga City elective officials? Basahin, alamin at i-share!
Mahalagang alamin ang mga qualifications at responsibilidad ng local governments upang makapili tayo nang maayos na mga local leaders ngayong darating na election. Tandaang ang local governments ang nasa frontline ng service delivery. Ibig sabihin, kapag mahusay ang mga pinili nating local leaders, mas mapapabuti at uunlad ang ating mga bayan. At ang makabubuti para saating mga bayan ay sya ring magpapabuti sa ating buong Bayan. Maging masuri sa pagboto ng mga local officials.
Ang local elections advocacy campaign na ito ay mula sa pagtutulungan ng United Nations RePubliKo project at Union of Local Authorities of the Philippines #ParaSaBayan advocacy.
Abangan ang mga susunod na infographics tungkol sa local governments, decentralization, devolution, and development!