Kasabay ng selebrasyon ng ika-25 annibersaryo ng Local Government Code noong October 27, 2016 ay ang pagkilala sa mga LGUs na pumasa at ginawaran ng DILG ng Seal of Good Local Governance (SGLG). Ang mga awardees para sa taong ito ay binubuo ng 306 LGUs (41 provinces, 48 cities at 209 municipalities). Ang isang LGU na may SGLG ay nagpapakita ng kahusayan at katapatan sa serbisyo at governance ng mga lokal na pamahalaan sa ating bansa.
Ano nga ba ang SGLG at mga pamantayan nito para masabing mahusay ang isang LGU? Paano nagkakaroon ng SGLG ang mga LGUs?Ating alamin sa infographics na ito. Handog sa inyo ng partnership ng DILG, Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), at United Nations RePubliKo campaign.